Pureza-Katipunan Station
Lyrics By Ket GPT , Ket GPT Spotify, Ket GPT Songs, About Ket GPT
All lyrics from the 9-track album Pureza – Katipunan Station is human-written. Diary entries in disguise — raw, real, and personal. Words from the heart, brought to life with the help of AI.

🎵 Full Tracklist
- 1. Ngunit
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 2. Ako’y Nawiwindang
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 3. Wag Mong Limutin
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 4. Pangarap Natin
Lyrics · Spotify · Apple Music - 5. Sa Gabing Mahiwaga
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube
- 6. Dito Sa Paraiso
Lyrics · Spotify · Apple Music - 7. Laging Pipiliin
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 8. Gising Na
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 9. Sa Tabi Mo
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube
1. Ngunit Mahal kita, ngunit Di sang-ayon sa’tin Ang panahon. Mahal kita, ngunit Hindi tayo pinagtugma Ng pagkakataon. Kahit anong pilit, Anong higpit Ng yakap ko Sa pag-ibig na ito— Para tayong pinagbibitaw Ng tadhanang di matinag Ng pag-ibig na Kay tagal umaasa. Ilang bituin sa langit Ang kinakausap ng aking hiling, Na ika’y muling makapiling Kahit isang saglit. Patawad na… Kung hindi man kita makita Sa mga huling saglit, Habang ang iyong mga mata Ay umiiyak sa langit— Patawad na. Doon na lang tayo magkita.
2. Ako’y Nawiwindang Sino ka? pakiramdam ko’y dati ka ng kakilala. Puso ko’y magaan pag nasisilayan ka. Minsan ba’y nagkita na? Sino ka? Halika magusap tayo, Sabik akong magkuwento, Tungkol sa dating pag-ibig ko. Ako’y nawiwindang, nalulungkot, tumatawa, Umiibig na parang buwang, Sa mga ala-alang puno ng pait at ligaya. Nasan ka? Bakit ako naririto, Ang isip ko’y gulong gulo, Kanina lang magkasama tayo. Nasan ka? Mukha mo’y di na makita, Pinaka-iingatang ala-ala’y nalunod na, Sa agos, sa dilim, na dala ng tadhana. Ako’y nawiwindang, nalulungkot, tumatawa, Umiibig na parang buwang Sa mga ala-alang puno ng pait at ligaya. May galit ang damdamin, Lalo’t pag di napapansin. Di maintindihan, ngunit mahal ka sa akin. Patawad… ang hingi ng sariling umaamin. Yun ay kung alam ko lang, na nahihirapan ka. Patawad… Isip ko’y limot na. Ako’y nawiwindang, nalulungkot, tumatawa, Umiibig na parang buwang Sa mga ala-alang puno ng pait at ligaya. Ikaw ba yan? Patawad, mahal ko. Naalala mo pa ba? Sabi mo, mahal mo din ako.
3. Wag Mong Limutin Kay tagal mo na akong inaantay, Patawad tayo'y nagkahiwalay. Kahit noo’y sinabi ko, Uuwi ako agad para sayo. Buhay ma’y hindi sumang-ayon, Sa lahat ng panahon, Pagmamahal sayo'y laging ganon, Sana ika'y makita pa sa paglaon, Chorus: Lungkot na nadarama hindi napupuna, Alaala na puro pag-asa, hiling na puro “sana” Kung ipagkait ang huling pagkikita, Wag mong kalilimutan, mahal na mahal Kita. Pangalan mo'y dasal gabi gabi, Tinig na pag di nadinig ay di mapakali, Paano pa kung di na mananatili, Pahingi naman ng konti pang sandali. Bukas ay darating, Sa aking pag-gising, Nasaan ka na, Nasaan ka na kaya? Chorus: Lungkot na nadarama hindi napupuna, Alaala na puro pag-asa, hiling na puro “sana” Kung ipagkait ang huling pagkikita, Wag mong kalilimutan, mahal na mahal Kita. Umaga na naman, Kamusta ka aking mahal? Sa ngayon tinig mo’y sapat na, Bukas uli, sana may bukas pa. Basta’t wag mong lilimutin, mahal na mahal Kita.
4. Pangarap Natin Imulat ang mga mata, Sa liwanag ng umaga Ang araw ay nandito na, Batiin mo ng may ligaya Bawa’t araw may pag-asa Sige lang, lumaban ka Chorus: Umaga ay lilipas din, Bukas ay iyong angkinin, Paulit-ulit na magtiwala, Sa sarili mong kinakaya, Ang lahat ng hamon ng mundo Sige lang! wag kang susuko! Ganyan talaga kaibigan, May lungkot paminsan-minsan Ligayang hinahanap mo Baka nandiyan lang sa tabi mo At sa paghahanap mo ng pangarap, May kamay palang handang humawak... Wag malito sa pangarap at pag-ibig Makinig sa aking himig Dahil ang puso kong kay tagal naghintay Ng isa pang pusong handang sumabay Duet Chorus: Araw ay lilipas din, Pag-ibig ko ngayo’y aaminin, Sana’y magtiwala, Lahat aking kakayanin, Ano mang hamon ng mundo Para sayo’y di susuko! Bridge: Ikaw ay aking iniibig. Pangarap mo’y handang ipaglaban. Sa lungkot man o kasayahan, Hawak-kamay walang iwanan. Pag-ibig natin aking himig, Sa puso ko'y walang patid!!! Duet Chorus: Araw ay lilipas din, Pag-ibig ko ngayo’y aaminin, Sana’y magtiwala, Lahat ay kakayanin. ANO MANG HAMON NG MUNDO, PARA SA'TIN, AY DI SUSUKO! (Instrumental Outro)
5. Gabing Mahiwaga Samahan mo ako Sa gabing mahiwaga Ibulong mo sa akin Hiling ng iyong damdamin Itong gabing ito Ako ang diwata mo Wag mangamba Dito tayo’y malaya Halika dito, ibigin mo ako, Sabayan ang tibok ng puso ko Halika dito, dito, sinta ko, Walang imposible sa mga pangarap mo Samahan mo ako Sa gabing mahiwaga Ibulong mo sa akin Hiling ng iyong damdamin Itong gabing ito Ako ang diwata mo Wag mangamba Dito tayo’y malaya Halika dito, ibigin mo ako, Sabayan ang tibok ng puso ko Halika dito, dito, sinta ko, Halika dito, dito, sinta ko, Walang imposible sa mga pangarap mo Ilabas ang init ng pag-ibig Hawakan ang mga kamay ko Halika ika’y susuyuin Sumuko sa aking halik Halika dito, ibigin mo ako, Sabayan ang tibok ng puso ko
6. Dito sa Paraiso Halika na, pasyal tayo Sa Pilipinas kong paraiso (instrumental) Tara na, maglakbay tayo, Sa kay gandang mga pulo (instrumental) Tawa doon, Ngiti dito Pamilya ko’y kaibigan mo (instrumental) Umasa ka, bukas ang pinto Pag malungkot, magpunta rito (instrumental) Papawiin ng bundok ang mga luha mo Hahaplusin ng ulan ang pagod mo (instrumental) Giniginaw ba ang iyong puso? Nandito lang ako sa paraiso. (instrumental) Halika na, pasyal tayo Sa Pilipinas kong paraiso
7. Laging Pipiliin Kailan kaya babalik Ang aking pinaka Mamahal. Kung may bukas pa Ikaw pa din Ang laging pipiliin… Mahal kita hanggang sa… Dulo ng walang hanggang kalawakan. Kung may dulo man Paulit-ulit lang kitang Pipiliin.. Ika’y pipiliin sa lahat Ng kalawan, Sa lahat ng panahon, Sa lahat ng pagkakataon Pag-ibig, Ko’y Ikaw. Mahal kita hanggang sa… Dulo ng walang hanggang kalawakan. Kung may dulo man Paulit-ulit lang kitang Pipiliin.. Ika’y pipiliin sa lahat Ng kalawakan, Sa lahat ng panahon, Sa lahat ng pagkakataon Pag-ibig, Ko’y Ikaw. Ang aking pinaka Mamahal. (Instrumental) Pag-ibig, Ko’y Ikaw. Ang aking pinaka Mamahal. (Outro)
8. Gising Na Gising bayan.. Sila lang nakikinabang. Ang iyong kailangan Sa magandang kinabukasan Edukasyon ng kabataan! Laban sa ganid na Kapangyarihan Ng mga buwayang kalaban Pinagnanakawan na tayo, Mata mo’y silaw pa rin sa maling kuwento. Huwag pumanig sa ingay ng nakararami, Gamitin ang isip wag pakampi kampi! Magbasa, ikumpara, Ang maraming istorya. Di lang porket nasa social media, Sikat, maganda, o bida. Boto’y walang halaga, Kung ika’y pabasta basta. Para san pa ang inilaban ni Bonifacio, Katipunan, at iyong mga ninuno Kung ikay papa-alipin sa mga pakulo Di nararapat na ika’y ka-dugo Gising na, bayan ko! Utak at puso ko’y nagdurugo. Pagbabago ang kanilang kwento Habang kinabukasan mo’y nalulugmok! Naglalaho sa harap ng iyong mga mata, Kaban ng bayan kanilang ibinubulsa. Habang pasayaw sayaw ka, Sa kanilang drama na bentang benta Ang tunay na may paki, Sa edukasyon ay kampi. Walang takot sa henerasyon, Na sa bayan ay mag aahon. Matang mapanuri ang solusyon, Kalaban ng kurapsyon. Itigil mo na ang pagkampi-kampi, Ganid ang nakikinabang. Di ka ba mag aatubili! Gutom ang aabutin, Kung ang kanta ko’y Di mo pansin. Gising na, bayan ko! Utak at puso ko’y nagdurugo. Wag maniwala sa kanilang kwento Kundi kinabukasan mo’y maglalaho! "Itigil mo na ang pagkampi-kampi, Matang mapanuri ang solusyon, Edukasyon laban sa kurapsyon. Gising na, bayan ko!" (outro)
9. Sa Tabi Mo Kung di mo ako type, Wag na lang kaya. Kung ayaw mo sa’kin, Ano pa ang gagawin? Malulungkot na lang ako. Ako’y napag-iwanan na Sa lungkot at dilim. Di mo man ako pansin, Lagi kitang iibigin— Kahit dito lang sa tabi. Pag nakikita ka, Puso ko’y tumitibok. Kahit minsan, minsan… Minsan lang ay sapat na! Sa isang taong tulad ko Na lagi lang nag-iisa— Pakaway-kaway, patingin-tingin— Di mo man ako pansin, Wag mo lang akong sisihin, Kung ika’y aking iibigin. Malulungkot, aasa, sa tabi. Isang tao na tulad ko, Walang paki, Ang mundo… Kung di pa sa pag-asa Ng liwanag, ng ngiti mo… Salamat. Malungkot na di mo ako type. Pero masaya na rin, Sa tabi mo. "Minsan, minsan… Masaya sa tabi mo."