Basta Driver, Sweet Lover
Lyrics By Ket GPT , Ket GPT Spotify, Ket GPT Songs, About Ket GPT
All lyrics from the 8-track album Basta Driver Sweet Lover are human-written. Love letters and what-ifs in disguise — raw, real, and bittersweet. Words from the heart, paired with music shaped through AI.

🎵 Full Tracklist
- 1. Magugunaw Na
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 2. Umaalon
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 3. Kulisap
Lyrics · Spotify · Apple Music - 4. Tinadhana
Lyrics · Spotify · Apple Music
- 5. Ang Iyong Multo
Lyrics · Spotify · Apple Music - 6. Pumikit Ka Lang
Lyrics · Spotify · Apple Music - 7. Ikaw Pala
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube - 8. Nasa Alanganin
Lyrics · Spotify · Apple Music · YouTube
1. Magugunaw Na Bukas, matatapos na ang lahat. Oras mo ngayon — 'di na sapat. Bukas. Bukas, magugunaw ang lahat. 'Di ko na kailangan ng mga dahilan. Basta't ang alam ko — bukas, tapos na ang mundo. Magugunaw na ang daigdig na ito. Pero huwag mag-alala — para sa'kin lang 'yon. Ipipikit ang mga mata habang nalalaglag, ang mga apoy, mula sa langit. Paalam na sa lahat ng mahal ko dito. Bukas ay wala na. Bukas ay wala ka na. Bukas ay wala na 'ko. Bukas, gunaw na ang mundo. Ang mundo nating dalawa. Tayo'y tapos na. Parang hindi nangyari. Parang walang nangyari sa'tin. Ika’y kakalimutan, tila 'di nagkakilala. Kailangang maglaho ang mga alaala natin dito. Para pag-gising ko sa bagong mundo, buo na ulit ang puso — malaya sa pagkabihag sa'yo. Ipipikit na ang aking mga mata. Paalam na sa mundo. Paalam na sa’yo. Bukas ay wala na. Bukas ay wala ka na. Bukas ay wala na 'ko. Bukas, gunaw na ang mundo. Malaya na sa pagkabihag sa'yo.
2. Umaalon Nagdidilim Ang kalangitan Tanong ng puso'y Kailan? Kailan huhupa Ang agos ng mga luha Saan? Saan kita mahahanap Naglaho ka kasi Sa isang iglap Sino? Sino ang kasama mo? Pag-ibig mo ba'y Di na ako? Wag. Wag mo namang kalimutan Lahat ng pinagdaanan Sa lungkot at saya Matatapos din. Matatapos din ang Ang bagyo na ito. Lilipas din ang dilim. Mahal Kita Mahal kita Tulad ng araw Na laging sisikat Bumalik ka na. Bumalik ka na. Ikaw at ako pa rin. Sa bawat pag-alon. Mahal kita. Bumalik ka na. Mahal kita. Bumalik ka na. (instrumental) Ikaw at ako pa rin, Sa bawat pag-alon. Ikaw at ako pa rin, Sa bawat pag-alon. Mahal kita. (Instrumental) OHHOOH... OHHOOH... OHHOOH... Ikaw at ako pa rin, Sa bawat pag-alon. Ikaw at ako pa rin, Sa bawat pag-alon. Mahal kita.
3. Kulisap hindi ko pinansin ang mga tanong mo akalay walang halaga, pagkat ang loob moy tila malayo sakin pusong uhaw sa pagibig batong ayaw magpatinag, dumapong kulisap naglaho sa isang kisapmata chorus: ilang araw na lang ang mga pagkakataong may liwanag pa, ilang araw na lang bago mawala ang mga ngiting pilit tinatago ang kabiguan sa iyong mga mata buong araw nakatulala sa mga ulap na nagdaraan, tulad ng mga ala-alang naglalayag sa kawalan pasensya na kung umalingawngaw lamang ang mga daing mo sa kalawakan chorus: ilang sandali na lang ang mga pagkakataong may liwanag pa, ilang sandali na lang makikita ang mga ngiting nangungusap ng kabiguan sa iyong mga mata sa huling usap, napilitang kamusta, binalot ng katahimikan, tinuldukan ng paalam ngumiti ka na parang bahala na, oras may di sapat, baka maaayos din ang lahat Bridge: paalam na sayo Patawad kung ako ang dahilan kung bakit napundi ang liwanag mo. Nabitawan kita sa gitna ng kahinaan— Saka ko lang naunawaang, mahal pala kita. chorus: ilang araw na ang lumipas madilim pero may kaunting liwanag pa, ilang sandali pa sana, bago mawala ang mga ngiting, nagtago ng kabiguan sa iyong mga mata (instrumental) Patawad — mahal pala kita. (outro)
4. Tinadhana bituwing marikit. basang damuhan. nakatingala sa mga ulap. ikaw at ako. umaasa. matang nangungusap, hanging malamig sa pisngi, hawak ang iyong mga kamay, ikaw at ako, nagiibigan. chorus: panahon may lumipas. pagibig na walang kupas. unang araw na nagkita ikaw at ako tinadhana. mainit na halik, yakap ng pananabik, kaluskos sa gabing tahimik, ikaw at ako. nagbabaga. kumikidlat, kumukulog, paparating na ulan, magkatabi sa may bintana ikaw at ako. nagpapatila. chorus: panahon may lumipas. pagibig na walang kupas. ilang taon man ang magdaan ikaw at ako tinadhana. gusot na kumot. pikit mong mga mata, unang si-kat ng araw. ikaw at ako. magkasama umaalong karagatan, buhangin sa dalampasigan, nakatingin sa bukang liwayway, ikaw at ako. habangbuhay. chorus: panahon may lumipas. pagibig na walang kupas. kahapon, ngayon, kailanman. ikaw at ako tinadhana. palaging tayo. ikaw at ako.
5. Ang Iyong Multo Naka-pulot ako ng susi Habang naglalakad ako Dinala ako dito ng aking mga paa, Binuksan ko ang pinto, Ng malaking bahay, Sa lumang barrio. Maalikabok, kulob, Madilim dito. Sa lahat ng pwedeng mangyari, Di ko inaasahang makasalubong… Ang iyong, Multo. Ibinulong mo sa akin, Na miss mo na… ako. Mga luhay biglang tumulo, Hindi ko mapigil Ang agos ng damdamin ko Kamay koy Nanlalamig nanginginig Chorus: Maalikabok, kulob, Madilim dito. Sa lahat ng pwedeng mangyari. Di ko inaasahang makasalubong… Ang iyong, Multo. Patawad akoy nakalimot, Sa pagkahaba habang panahon, Ikay naalala lamang… ngayon. Di ko ata kayang umalis, Hindi dahil sa takot, Kundi kasi, hinahanap ka pala ng puso. Chorus: Maalikabok, kulob, Madilim dito Di ko naisip na Makikita kang muli. Ang Iyong. Multo. Umihip ang hangin Tumigil din ang paghikbi kay naglaho sa harap kong muli Gaya ng araw, na-yon Na pilit kong kinalimutan Paalam na muli, aking kaibigan Bridge: Itinago ang susi sa aking bulsa, at nangako akong Babalikang muli. Babalikan kong muli.. Ang mga pangarap natin. Isa-isang bubuhayin. Chorus: Maalikabok, kulob Madilim dito Salamat naman. Nagkita tayong muli. Ako at ang iyong. Multo.
6. Pumikit Ka Lang Di ko nakilala, Ang sarili sa lumang litrato, Damdamin ng nakaraan, Ingay ng mundo. Hinahanap sa puso ko. Nilamon ng katahimikan ang mga luha at tawanan. Nakatulala at nag-aantay sa huling haplos ng hangin… sa akap ng takipsilim. Chorus: Maglaho man ang mga bituin sa gabi, pumikit ka lang, ako’y nasa yong tabi Lumipas man ang araw at panahon, Noon hanggang ngayon, Pagmamahal koy Sayo Naaalala mo pa ba Ang ating lumang litrato? Pagmamahalan natin, Tibok ng aking puso. Nasan ang pag-ibig mo? Ala ala ng kahapon, Na puno ng pait at saya, Nananaginip na tayo’y, May bagong pagkakataon… Paglipas ng dilim na ito. Bridge: Hawak ko pa rin ang litratong kupas, Humihiling, habang luha’y bumabakas Salamat sa buhay na ito, Salamat sa pag-ibig mo Chorus: Maglaho man ang mga bituin sa gabi, pumikit ka lang, ako’y nasa iyong tabi Sa paglipas ng araw at panahon, Ngayon at magpakailanman, Pagmamahal ko’y Sayo lamang
7. Ikaw Pala Umaaraw na. Ika'y papauwi na. Alas singko y medya. Tapos ng magbenta. Antok na antok. Nakadungaw habang ang mundo'y kumakaripas. Ikaw pala, Ipipikit na lang ang mga mata, Magpapanggap na di tayo magkakilala. Ikaw pala ay tulad nila. Mahabang pila. bago makauwi. Lungkot ay mapapawi pag humiga sa iyong tabi. Paulit-ulit lang sa araw-araw. Kaunting ngiti naman bago ako’y lumisan. Mahal kita. Di ko sinasadyang mahal kita. Sa sandali kang nakilala, ika'y nais kong makasama. Ikaw pala. Kay ganda ng iyong mga mata. Gusto ko nang sabihin — tayo ay magkakilala. Okay lang na ikay tulad nila. Sa’kin ay sumama na. Mamahalin kita. Paulit-ulit lang sa araw-araw. Mahal kita. Ikaw pala. Nakikita ko ang kislap sa'yong mga mata. Hayaan mo akong sabihin — Mahal kita. Mamahalin kita. Paulit-ulit lang sa araw-araw. Mahal kita. Ikaw pala. Nakikita ko ang kislap sa'yong mga mata. Hayaan mo akong sabihin — Mahal kita. Mamahalin kita. Paulit-ulit lang sa araw-araw. Mahal kita.
8. Nasa Alanganin Pagmamahal ko’y nasa alanganin. Napapagod din ang pusong ‘di pinapansin. Dapat pa ba akong umasa, Kung ni isang ngiti Ay ‘di man lang makita? Nilakbay ko ang layo ng buwan— Napadpad lang ba sa kawalan? Nilangoy ko ang karagatan… Ngayo’y nandirito Pag-ibig ba ito, o saradong pinto? Tinatangay na ako ng malakas na hangin— Papalayo… sa ‘yo. Kumakapit pa, Lumingon ka man lang sana? Pwede ba? Kay tagal na naghihintay Sana'y buksan ang pintuan Nagtatanong, nananalangin Ano ba ang dapat gawin? para iyong dinggin Tinakbo ko ang haba ng dalampasigan, Tama ba ang napuntahan? Damdamin mo'y napakalayo Ngayo’y nandirito Pag-ibig ba ito, o saradong pinto? Ano ba ang dapat gawin? Para iyong dinggin Pag-ibig ba ito, pagbuksan mo naman ako... Nilakbay ko ang layo ng buwan— Napadpad lang ba sa kawalan? Nilangoy ko ang karagatan… Ngayo’y nandirito Pag-ibig ba ito? Mahal mo din ba ako?