Para Kay Rafael
Lyrics By Ket GPT · Ket GPT Spotify · About Ket GPT
All lyrics from the 4-track album Para Kay Rafael are human-written — a collection of laments for a loved one gone too soon. Each song traces the quiet path between sorrow and acceptance, shaped through AI to carry the tenderness of remembering and the courage of moving on.

🎵 Full Tracklist
1. May Dulo ba ang Mundo Di tumutugon Di bumabangon Tahimik at dalisay Ang pusong matibay Umaasa ng mahinahon Umaasa sa panahon Di ko kayang ibaon Ang sarili sa pagkalimot Chorus: Ayos lang ako, Kakapit sa pangako, Ng pag-ibig mo Hanggang sa dulo Ng mundong ito, Hawak ang mga Pangarap mo. Ang Alaala mo Ay Nasa puso ko Mga alaala mo Di maglalaho Gagawin, Tatanggapin, Ang mga huling habilin Di ka na malalayo sakin. Chorus: Ayos lang ako, Kakapit sa pangako, Ng pag-ibig mo Hanggang sa dulo Ng mundong ito, Ilalaban ang mga Pangarap mo. Ang mga bituin Ay natutulog din Kay hirap magbantay Sa gabing madilim Ang buwan Ay nagtago din Walang maisagot Sa aking katanungan Chorus: Ayos lang ako, Kakapit sa pangako, Ng pag-ibig mo Hanggang sa dulo Ng mundong ito, Dadalhin ang mga Pangarap mo. May dulo ba ang mundo? Makikita ko bang muli Ang mukha mong nakangiti? Paalam muna.
2. Kahit Maglaho Nakatingin sa alapaap Ginugunita ang mga pangarap Nakakalungkot na paglingap Bawat yapak na puno ng luha Ay naging galak... Ngunit naglaho Na parang bula Chorus: Mapapawi ko ba Ang huling luha Sa iyong mata Mawawala ba Ang sakit na Nadarama Binibilang ang alaala mo Mga piraso mo na hawak ko Kulang ba ang pag-ibig ko Pagmamahal ko’y di ba sapat Kung susukatin ba’y nararapat O hindi ba dapat Chorus: Mapapawi ko ba Ang huling luha Sa iyong mata Mawawala ba Ang sakit na Nadarama Kay layo na ng aking nalakad Mukha mo ang bumubungad Sa bawat tahanan Na aking daanan Ikaw ang nakikita Ikaw aking sinta Uuwi sa piling mo Uuwi na sayo Tayo lang dapat Chorus: Mapapawi ko ba Ang huling luha Sa Iyong mata Mawawala ba Ang sakit na Nadarama Pag-ibig mo ay akin Ako’y iyo at ika'y sakin Ikaw at ako. Tayo. Kahit maglaho ang mundo.
3. Tumigil ang Tibok Sa katahimikan naririnig ng ilan ang pagpatak ng ulan Sa katahimikan naririnig ko ang papalayong yapak mo Chorus: Huminto ang hangin Tumila ang ulan Tumigil ang tibok Mga mata'y pinikit Pinipili hindi pinipilit Saan ang hantungan? Doon sa di masisilayan. Sa lalim ng gabi lumalaban ang puso kahit malamig sa tabi mo Sa lalim ng gabi kandila'y marikit sa iyong mga pisngi Chorus: Nagbalik ang hangin Bumuhos ang ulan Bumalik ang tibok Mga matay minulat Pinipili hindi pinipilit Saan ang hantungan? Doon sa di masisilayan. May binubulong Na di marinig May sinasabing walang tinig May binubulong Na di marinig Ngiti at luha lang aking napahiwatig Chorus: Huminto ang hangin Tumila ang ulan Tumigil ang tibok Mga mata'y pinikit Tinanggap ng mahigpit. Saan ang hantungan? Sa di ko masisilayan. May patutunguhan ang agos ng ulan. Magbabalik sa iyong kanlungan. May tatanggap sa katotohanan. Bukas Ikaw. Bukas Ako. Tayo naman.
4. Laging Maghihintay Magdamag Nangangarap Sa panaginip Hindi mahagilap Mga yakap na Mistulang ulap Hinahanap Anino mong mailap Saan ka Muling makikita Sa kalawakan ba O sa kawalan Chorus: Laging maghihintay Laging umaasa Laging mamahalin Laging dinadalangin Mag-aantay Sa muling pagtatagpo Mag-aantay kahit Matapos ang mundo Pag nakita ka Di na magkakawalay Di na papakawalan Di na luluhang muli Umaga ay sisikat Saking pagmulat Ika’y nasa piling na Tayo’y magkapiling na Chorus: Laging maghihintay Laging umaasa Laging mamahalin Laging dinadalangin Mga patak ng ulan Titigil parang perlas na kwintas sa gabing Bilog ang buwan Ikaw lang at ako Ikaw lang sa puso ko Tayo lang sa mundo Magkasama dito Chorus: Laging maghihintay Laging umaasa Laging mamahalin Laging dinadalangin Walang araw, Walang oras Payapa kung saan Umaawit ang mga puso… Ikaw lang at ako. Magkasama. Pangako. Ikaw lang at ako. Magkasama dito.