Pureza-Katipunan Station

Lyrics By Ket GPT , Ket GPT Spotify, Ket GPT Songs, About Ket GPT

All lyrics from the 9-track album Pureza – Katipunan Station is human-written. Diary entries in disguise — raw, real, and personal. Words from the heart, brought to life with the help of AI.

Pureza-Katipunan Station Lyrics - Ket GPT - Filipino AI Music, Ngunit, Ako’y Nawiwindang, Wag Mong Limutin, Pangarap Natin, Gabing Mahiwaga, Dito sa Paraiso, Laging Pipiliin, Gising Na, Sa Tabi Mo

🎵 Full Tracklist

 

1. Ngunit

Mahal kita, ngunit
Di sang-ayon sa’tin
Ang panahon.

Mahal kita,
ngunit
Hindi tayo pinagtugma
Ng pagkakataon.

Kahit anong pilit,
Anong higpit
Ng yakap ko
Sa pag-ibig na ito—

Para tayong pinagbibitaw
Ng tadhanang di matinag
Ng pag-ibig na
Kay tagal umaasa.

Ilang bituin sa langit
Ang kinakausap ng aking hiling,
Na ika’y muling makapiling
Kahit isang saglit.

Patawad na…
Kung hindi man kita makita
Sa mga huling saglit,

Habang ang iyong mga mata
Ay umiiyak sa langit—
Patawad na.

Doon na lang tayo magkita.
2. Ako’y Nawiwindang

Sino ka?
pakiramdam ko’y dati ka ng kakilala.
Puso ko’y magaan pag nasisilayan ka.
Minsan ba’y nagkita na?
Sino ka?
Halika magusap tayo,
Sabik akong magkuwento,
Tungkol sa dating pag-ibig ko.

Ako’y nawiwindang,
nalulungkot, tumatawa,
Umiibig na parang buwang,
Sa mga ala-alang puno ng pait at ligaya.

Nasan ka?
Bakit ako naririto,
Ang isip ko’y gulong gulo,
Kanina lang magkasama tayo.

Nasan ka?
Mukha mo’y di na makita,
Pinaka-iingatang ala-ala’y nalunod na,
Sa agos, sa dilim, na dala ng tadhana.

Ako’y nawiwindang,
nalulungkot, tumatawa,
Umiibig na parang buwang
Sa mga ala-alang puno ng pait at ligaya.

May galit ang damdamin,
Lalo’t pag di napapansin.
Di maintindihan, ngunit mahal ka sa akin.

Patawad…
ang hingi ng sariling umaamin.
Yun ay kung alam ko lang,
na nahihirapan ka.

Patawad…
Isip ko’y limot na.

Ako’y nawiwindang,
nalulungkot, tumatawa,
Umiibig na parang buwang
Sa mga ala-alang puno ng pait at ligaya.

Ikaw ba yan?
Patawad, mahal ko. 
Naalala mo pa ba?
Sabi mo, mahal mo din ako.
3. Wag Mong Limutin

Kay tagal mo na akong inaantay,
Patawad tayo'y nagkahiwalay.
Kahit noo’y sinabi ko,
Uuwi ako agad para sayo.

Buhay ma’y hindi sumang-ayon,
Sa lahat ng panahon,
Pagmamahal sayo'y laging ganon,
Sana ika'y makita pa sa paglaon,

Chorus:
Lungkot na nadarama hindi napupuna,
Alaala na puro pag-asa, hiling na puro “sana”
Kung ipagkait ang huling pagkikita,
Wag mong kalilimutan, mahal na mahal
Kita.

Pangalan mo'y dasal gabi gabi,
Tinig na pag di nadinig ay di mapakali,
Paano pa kung di na mananatili,
Pahingi naman ng konti pang sandali.

Bukas ay darating,
Sa aking pag-gising,
Nasaan ka na,
Nasaan ka na kaya?

Chorus:
Lungkot na nadarama hindi napupuna,
Alaala na puro pag-asa, hiling na puro “sana”
Kung ipagkait ang huling pagkikita,
Wag mong kalilimutan, mahal na mahal
Kita.

Umaga na naman,
Kamusta ka aking mahal?
Sa ngayon tinig mo’y sapat na,
Bukas uli, sana may bukas pa.
Basta’t wag mong lilimutin,
mahal na mahal Kita.
4. Pangarap Natin

Imulat ang mga mata,
Sa liwanag ng umaga
Ang araw ay nandito na,
Batiin mo ng may ligaya
Bawa’t araw may pag-asa
Sige lang, lumaban ka

Chorus:
Umaga ay lilipas din,
Bukas ay iyong angkinin,
Paulit-ulit na magtiwala,
Sa sarili mong kinakaya,
Ang lahat ng hamon ng mundo
Sige lang!  wag kang susuko!

Ganyan talaga kaibigan,
May lungkot paminsan-minsan
Ligayang hinahanap mo
Baka nandiyan lang sa tabi mo
At sa paghahanap mo ng pangarap,
May kamay palang handang humawak...

Wag malito sa pangarap at pag-ibig
Makinig sa aking himig
Dahil ang puso kong kay tagal naghintay
Ng isa pang pusong handang sumabay

Duet Chorus:
Araw ay lilipas din,
Pag-ibig ko ngayo’y aaminin,
Sana’y magtiwala,
Lahat aking kakayanin,
Ano mang hamon ng mundo
Para sayo’y di susuko!

Bridge:
Ikaw ay aking iniibig.
Pangarap mo’y handang ipaglaban.
Sa lungkot man o kasayahan,
Hawak-kamay walang iwanan.
Pag-ibig natin aking himig,
Sa puso ko'y walang patid!!!

Duet Chorus:
Araw ay lilipas din,
Pag-ibig ko ngayo’y aaminin,
Sana’y magtiwala,
Lahat ay kakayanin.
ANO MANG HAMON NG MUNDO,
PARA SA'TIN, AY DI SUSUKO!

(Instrumental Outro)
5. Gabing Mahiwaga

Samahan mo ako
Sa gabing mahiwaga
Ibulong mo sa akin
Hiling ng iyong damdamin
Itong gabing ito
Ako ang diwata mo
Wag mangamba
Dito tayo’y malaya

Halika dito, ibigin mo ako,
Sabayan ang tibok ng puso ko
Halika dito, dito, sinta ko,
Walang imposible sa mga pangarap mo

Samahan mo ako
Sa gabing mahiwaga
Ibulong mo sa akin
Hiling ng iyong damdamin
Itong gabing ito
Ako ang diwata mo
Wag mangamba
Dito tayo’y malaya

Halika dito, ibigin mo ako,
Sabayan ang tibok ng puso ko
Halika dito, dito, sinta ko,
Halika dito, dito, sinta ko,
Walang imposible sa mga pangarap mo

Ilabas ang init ng pag-ibig
Hawakan ang mga kamay ko
Halika ika’y susuyuin
Sumuko sa aking halik

Halika dito, ibigin mo ako,
Sabayan ang tibok ng puso ko
6. Dito sa Paraiso

Halika na, pasyal tayo
Sa Pilipinas kong paraiso

(instrumental)

Tara na, maglakbay tayo,
Sa kay gandang mga pulo

(instrumental)

Tawa doon, Ngiti dito
Pamilya ko’y kaibigan mo

(instrumental)

Umasa ka, bukas ang pinto
Pag malungkot, magpunta rito

(instrumental)

Papawiin ng bundok ang mga luha mo
Hahaplusin ng ulan ang pagod mo

(instrumental)

Giniginaw ba ang iyong puso?
Nandito lang ako sa paraiso.

(instrumental)

Halika na, pasyal tayo
Sa Pilipinas kong paraiso
7. Laging Pipiliin

Kailan kaya babalik
Ang aking pinaka
Mamahal.

Kung may bukas pa
Ikaw pa din
Ang laging pipiliin…

Mahal kita hanggang sa…
Dulo ng walang hanggang
kalawakan.

Kung may dulo man
Paulit-ulit lang kitang
Pipiliin..

Ika’y pipiliin sa lahat
Ng kalawan,
Sa lahat ng panahon,
Sa lahat ng pagkakataon

Pag-ibig,
Ko’y
Ikaw.

Mahal kita hanggang sa…
Dulo ng walang hanggang
kalawakan.

Kung may dulo man
Paulit-ulit lang kitang
Pipiliin..

Ika’y pipiliin sa lahat
Ng kalawakan,
Sa lahat ng panahon,
Sa lahat ng pagkakataon

Pag-ibig,
Ko’y
Ikaw.

Ang aking pinaka
Mamahal.

(Instrumental)

Pag-ibig,
Ko’y
Ikaw.

Ang aking pinaka
Mamahal.

(Outro)
8. Gising Na

Gising bayan..
Sila lang nakikinabang.
Ang iyong kailangan
Sa magandang kinabukasan
Edukasyon ng kabataan!
Laban sa ganid na Kapangyarihan
Ng mga buwayang kalaban

Pinagnanakawan na tayo,
Mata mo’y silaw pa rin sa maling kuwento.
Huwag pumanig sa ingay ng nakararami,
Gamitin ang isip wag pakampi kampi!

Magbasa, ikumpara,
Ang maraming istorya.
Di lang porket nasa social media,
Sikat, maganda, o bida.
Boto’y walang halaga,
Kung ika’y pabasta basta.

Para san pa ang inilaban ni Bonifacio,
Katipunan, at iyong mga ninuno
Kung ikay papa-alipin sa mga pakulo
Di nararapat na ika’y ka-dugo

Gising na, bayan ko!
Utak at puso ko’y nagdurugo.
Pagbabago ang kanilang kwento
Habang kinabukasan mo’y nalulugmok!

Naglalaho sa harap ng iyong mga mata,
Kaban ng bayan kanilang ibinubulsa.
Habang pasayaw sayaw ka,
Sa kanilang drama na bentang benta

Ang tunay na may paki,
Sa edukasyon ay kampi.
Walang takot sa henerasyon,
Na sa bayan ay mag aahon.
Matang mapanuri ang solusyon,
Kalaban ng kurapsyon.

Itigil mo na ang pagkampi-kampi,
Ganid ang nakikinabang.
Di ka ba mag aatubili!
Gutom ang aabutin,
Kung ang kanta ko’y
Di mo pansin.

Gising na, bayan ko!
Utak at puso ko’y nagdurugo.
Wag maniwala sa kanilang kwento
Kundi kinabukasan mo’y maglalaho!

"Itigil mo na ang pagkampi-kampi,
Matang mapanuri ang solusyon,
Edukasyon laban sa kurapsyon.
Gising na, bayan ko!"

(outro)
9. Sa Tabi Mo

Kung di mo ako type,
Wag na lang kaya.
Kung ayaw mo sa’kin,
Ano pa ang gagawin?
Malulungkot na lang ako.

Ako’y napag-iwanan na
Sa lungkot at dilim.
Di mo man ako pansin,
Lagi kitang iibigin—
Kahit dito lang sa tabi.

Pag nakikita ka,
Puso ko’y tumitibok.
Kahit minsan, minsan…
Minsan lang ay sapat na!

Sa isang taong tulad ko
Na lagi lang nag-iisa—
Pakaway-kaway, patingin-tingin—
Di mo man ako pansin,
Wag mo lang akong sisihin,
Kung ika’y aking iibigin.

Malulungkot, aasa, sa tabi.
Isang tao na tulad ko,
Walang paki,
Ang mundo…
Kung di pa sa pag-asa
Ng liwanag, ng ngiti mo…

Salamat.
Malungkot na di mo ako type.
Pero masaya na rin,
Sa tabi mo.

"Minsan, minsan…
Masaya sa tabi mo."
Scroll to Top