Basta Driver, Sweet Lover

Lyrics By Ket GPT , Ket GPT Spotify, Ket GPT Songs, About Ket GPT

All lyrics from the 8-track album Basta Driver Sweet Lover are human-written. Love letters and what-ifs in disguise — raw, real, and bittersweet. Words from the heart, paired with music shaped through AI.

Basta Driver Sweet Lover — Ket GPT album cover

🎵 Full Tracklist

 

1. Magugunaw Na

Bukas, matatapos
na ang lahat. 
Oras mo ngayon — 'di na sapat.
Bukas.

Bukas, magugunaw ang lahat.
'Di ko na kailangan
ng mga dahilan.
Basta't ang alam ko —
bukas, tapos na ang mundo.

Magugunaw na ang daigdig na ito.
Pero huwag mag-alala — para sa'kin lang 'yon.
Ipipikit ang mga mata habang nalalaglag,
ang mga apoy, mula sa langit.
Paalam na sa lahat ng mahal ko dito.

Bukas ay wala na.
Bukas ay wala ka na.
Bukas ay wala na 'ko.
Bukas, gunaw na ang mundo.

Ang mundo nating dalawa.
Tayo'y tapos na.
Parang hindi nangyari.
Parang walang nangyari sa'tin.

Ika’y kakalimutan,
tila 'di nagkakilala.
Kailangang maglaho
ang mga alaala natin dito.

Para pag-gising ko sa bagong mundo,
buo na ulit ang puso —
malaya sa pagkabihag sa'yo.

Ipipikit na ang
aking mga mata.
Paalam na sa mundo.
Paalam na sa’yo.

Bukas ay wala na.
Bukas ay wala ka na.
Bukas ay wala na 'ko.
Bukas, gunaw na ang mundo.

Malaya na sa
pagkabihag sa'yo.
2. Umaalon

Nagdidilim
Ang kalangitan
Tanong ng puso'y
Kailan?

Kailan huhupa
Ang agos ng mga luha
Saan?

Saan kita mahahanap
Naglaho ka kasi
Sa isang iglap
Sino?

Sino ang kasama mo?
Pag-ibig mo ba'y
Di na ako?
Wag.

Wag mo namang kalimutan
Lahat ng pinagdaanan
Sa lungkot at saya
Matatapos din.

Matatapos din ang
Ang bagyo na ito. 
Lilipas din ang dilim.
Mahal Kita

Mahal kita
Tulad ng araw
Na laging sisikat
Bumalik ka na.

Bumalik ka na.
Ikaw at ako pa rin.
Sa bawat pag-alon.
Mahal kita.

Bumalik ka na.
Mahal kita.
Bumalik ka na.

(instrumental)

Ikaw at ako pa rin,
Sa bawat pag-alon.
Ikaw at ako pa rin,
Sa bawat pag-alon.

 Mahal kita.

(Instrumental)

OHHOOH...
OHHOOH...
OHHOOH...

Ikaw at ako pa rin,
Sa bawat pag-alon.

Ikaw at ako pa rin,
Sa bawat pag-alon.

Mahal kita.
3. Kulisap

hindi ko pinansin
ang mga tanong mo
akalay walang halaga,

pagkat ang loob moy
tila malayo sakin
pusong uhaw sa pagibig

batong ayaw magpatinag,
dumapong kulisap
naglaho sa isang kisapmata

chorus:
ilang araw na lang
ang mga pagkakataong
may liwanag pa,
ilang araw na lang
bago mawala
ang mga ngiting
pilit tinatago
ang kabiguan
sa iyong
mga mata

buong araw
nakatulala sa
mga ulap na nagdaraan,
tulad ng mga ala-alang
naglalayag
sa kawalan

pasensya na kung
umalingawngaw
lamang ang
mga daing mo
sa kalawakan

chorus:
ilang sandali na lang
ang mga pagkakataong
may liwanag pa,
ilang sandali na lang
makikita
ang mga ngiting
nangungusap
ng kabiguan
sa iyong
mga mata

sa huling usap,
napilitang kamusta,
binalot ng katahimikan,
tinuldukan ng paalam
ngumiti ka
na parang bahala na,
oras may di sapat,
baka maaayos din
ang lahat

Bridge:
paalam na sayo
Patawad kung ako ang dahilan 
kung bakit napundi ang liwanag mo. 
Nabitawan kita sa gitna ng kahinaan— 
Saka ko lang naunawaang, mahal pala kita.

chorus:
ilang araw na ang lumipas
madilim pero may
kaunting liwanag pa,
ilang sandali pa sana,
bago mawala
ang mga ngiting,
nagtago
ng kabiguan
sa iyong
mga mata
(instrumental)
Patawad — mahal pala kita.
(outro)
4. Tinadhana

bituwing marikit.
basang damuhan.
nakatingala sa mga ulap.
ikaw at ako.
umaasa.

matang nangungusap,
hanging malamig sa pisngi,
hawak ang iyong mga kamay,
ikaw at ako,
nagiibigan.

chorus:
panahon may lumipas.
pagibig na walang kupas.
unang araw na nagkita
ikaw at ako
tinadhana.

mainit na halik,
yakap ng pananabik,
kaluskos sa gabing tahimik,
ikaw at ako.
nagbabaga.

kumikidlat, kumukulog,
paparating na ulan,
magkatabi sa may bintana
ikaw at ako.
nagpapatila.

chorus:
panahon may lumipas.
pagibig na walang kupas.
ilang taon man ang magdaan
ikaw at ako
tinadhana.

gusot na kumot.
pikit mong mga mata,
unang si-kat ng araw.
ikaw at ako.
magkasama

umaalong karagatan,
buhangin sa dalampasigan,
nakatingin sa bukang liwayway,
ikaw at ako.
habangbuhay.

chorus:
panahon may lumipas.
pagibig na walang kupas.
kahapon, ngayon, kailanman.
ikaw at ako
tinadhana.

palaging tayo.
ikaw at ako.
5. Ang Iyong Multo

Naka-pulot ako ng susi
Habang naglalakad ako
Dinala ako dito ng aking mga paa,
Binuksan ko ang pinto,
Ng malaking bahay,
Sa lumang barrio.

Maalikabok, kulob,
Madilim dito.
Sa lahat ng pwedeng mangyari,
Di ko inaasahang makasalubong…
Ang iyong,
Multo.

Ibinulong mo sa akin,
Na miss mo na… ako.
Mga luhay biglang tumulo,

Hindi ko mapigil
Ang agos ng damdamin ko
Kamay koy Nanlalamig
nanginginig

Chorus:
Maalikabok, kulob,
Madilim dito.
Sa lahat ng pwedeng mangyari.
Di ko inaasahang makasalubong…
Ang iyong,
Multo.

Patawad akoy nakalimot,
Sa pagkahaba habang panahon,
Ikay naalala lamang… ngayon.
Di ko ata kayang umalis,
Hindi dahil sa takot,
Kundi kasi, hinahanap ka pala
ng puso.

Chorus:
Maalikabok, kulob,
Madilim dito
Di ko naisip na
Makikita kang muli.
Ang Iyong.
Multo.

Umihip ang hangin
Tumigil din ang paghikbi
kay naglaho sa harap kong muli
Gaya ng araw, na-yon
Na pilit kong kinalimutan
Paalam na muli,
aking kaibigan

Bridge:
Itinago ang susi sa aking bulsa, at nangako akong
Babalikang muli. Babalikan kong muli..
Ang mga pangarap natin.
Isa-isang bubuhayin.

Chorus:
Maalikabok, kulob
Madilim dito
Salamat naman.
Nagkita tayong muli.
Ako at ang iyong.
Multo.
6. Pumikit Ka Lang

Di ko nakilala,
Ang sarili sa lumang litrato,
Damdamin ng nakaraan,
Ingay ng mundo.
Hinahanap sa puso ko.

Nilamon ng katahimikan
ang mga luha at tawanan.
Nakatulala at nag-aantay
sa huling haplos ng hangin…
sa akap ng takipsilim.

Chorus:
Maglaho man ang mga bituin sa gabi,
pumikit ka lang, ako’y nasa yong tabi
Lumipas man ang araw at panahon,
Noon hanggang ngayon,
Pagmamahal koy
Sayo

Naaalala mo pa ba
Ang ating lumang litrato?
Pagmamahalan natin,
Tibok ng aking puso.
Nasan ang pag-ibig mo?

Ala ala ng kahapon,
Na puno ng pait at saya,
Nananaginip na tayo’y,
May bagong pagkakataon…
Paglipas ng dilim na ito.

Bridge:
Hawak ko pa rin ang litratong kupas,
Humihiling, habang luha’y bumabakas
Salamat sa buhay na ito,
Salamat sa pag-ibig mo

Chorus:
Maglaho man ang mga bituin sa gabi,
pumikit ka lang, ako’y nasa iyong tabi
Sa paglipas ng araw at panahon,
Ngayon at magpakailanman,
Pagmamahal ko’y
Sayo lamang
7. Ikaw Pala

Umaaraw na.
Ika'y papauwi na.
Alas singko y medya.
Tapos ng magbenta.

Antok na antok.
Nakadungaw habang
ang mundo'y
kumakaripas.

Ikaw pala,
Ipipikit na lang
ang mga mata,
Magpapanggap na
di tayo magkakilala.
Ikaw pala ay tulad nila.

Mahabang pila.
bago makauwi.
Lungkot ay mapapawi
pag humiga sa iyong tabi.

Paulit-ulit lang
sa araw-araw.
Kaunting ngiti naman
bago ako’y lumisan.

Mahal kita.
Di ko sinasadyang mahal kita.
Sa sandali kang nakilala,
ika'y nais kong makasama.

Ikaw pala.
Kay ganda ng iyong mga mata.
Gusto ko nang sabihin —
tayo ay magkakilala.

Okay lang na ikay tulad nila.
Sa’kin ay sumama na.
Mamahalin kita.
Paulit-ulit lang sa araw-araw.

Mahal kita.

Ikaw pala.
Nakikita ko ang kislap sa'yong mga mata.
Hayaan mo akong sabihin —
Mahal kita.

Mamahalin kita.
Paulit-ulit lang sa araw-araw.
Mahal kita.

Ikaw pala.
Nakikita ko ang kislap
sa'yong mga mata.
Hayaan mo akong sabihin —
Mahal kita.

Mamahalin kita.
Paulit-ulit lang sa araw-araw.
Mahal kita.
8. Nasa Alanganin

Pagmamahal ko’y
nasa alanganin.

Napapagod din ang pusong ‘di
pinapansin.
Dapat pa ba akong umasa,

Kung ni isang ngiti
Ay ‘di man lang makita? 
Nilakbay ko ang layo ng buwan— 

Napadpad lang ba sa kawalan? 

Nilangoy ko ang karagatan… 

Ngayo’y nandirito
Pag-ibig ba ito,  o saradong pinto?
Tinatangay na ako ng malakas na hangin—
Papalayo… sa ‘yo.
Kumakapit pa,
Lumingon ka man lang sana?
Pwede ba?

Kay tagal na naghihintay
Sana'y buksan ang pintuan
Nagtatanong, nananalangin 
Ano ba ang dapat gawin?
para iyong dinggin

Tinakbo ko
ang haba ng dalampasigan, 
Tama ba ang napuntahan?
Damdamin mo'y napakalayo

Ngayo’y nandirito
Pag-ibig ba ito, o saradong pinto?
Ano ba ang dapat gawin?
Para iyong dinggin

Pag-ibig ba ito,
pagbuksan mo naman ako...

Nilakbay ko ang layo ng buwan— 
Napadpad lang ba sa kawalan? 
Nilangoy ko ang karagatan… 
Ngayo’y nandirito
Pag-ibig ba ito?
Mahal mo din ba ako?
Scroll to Top